Wednesday, February 15, 2006

Ang Hiwagaan

Kabanata XXXVII
Ang Hiwagaan

Lagpas na sa ika-12 ng hatinggabi...
E, di ayan...Lumipas din ang araw. Ganun lang yun kabilis. Hindi ko siya hinintay, at hindi ko siya dinibdib. Mas mahalaga ang susunod na petsa dahil, ta-daaa, ngayon ang kaarawan ni Brandon Boyd na dati ko ring sinamba-samba.

Mabalik tayo sa mga kapighatian at kahungkagan ng kahulugan ng mga rosas.

Ano ba?

heto ka na naman, James. Balik sa phase one.

I. Ipipilit ko sa sariling ako'y peminista, samakatuwid, hindi ko kailangan ng lalake.

(oo, Mia.. nasabi nyo na noon na isa itong maling paniniwala.) Sabihin na lang nating mas nananalig ako sa aking sariling kapasyahang sumaya.

Magkagayun man, hindi pa rin ito totoo.
(James, nakakalimutan mong life-support mo ang sangkalalakihan.)

hay nako. wag niyo na subuking ibigay ang depinisyon ng katagang "pathetic". alam ko na yan, at natunghayan ko na ang ilang daang halimbawa.

II. eto na ang explanatory part...
eto naman kasi ang walanghiyang Salvo <- ang aming driver, matiwasay akong nakaupo sa kotse habang nagtetext marathon, nang buksan niya ang radyo at inilipat ang talapihitan sa istasyong di ko na maalala.

senti music.

ayos lang. masisikmura naman.

"Love Will Lead You Back.." <- ayos! bitter mode ba ito?

sabay..

"Dear Joe, I've been trying to recover from a failed relationship but no matter what i do.. (insert sappy lines here)"

waaaaa!!!!!

waaaaa!!!!!

excusez-moi.

Mahabaging langit. Ewan ko ba! Nakasusulasok na ngang araw-araw makatanggap ng pagbibitter ng mga tao sa text, at ngayon heto pa...

walangjo!!! Love Notes with Joe D'Mango.

Juice ko pong pineapple!

Naisip ko tuloy, "Magiting ka joe! Bangis mo boy!"
Pano ko magagawang makinig sa mga kapighatian ng mga taong malapit nang magpakamatay dahil lamang sa lab?

Juice ko.

Juice ko pong pineapple talaga.

Ano ba naman to?

Marami pa kayong dapat gawin!

Project sa electronics...
Tambak ang labada...
UPCAT results...
exchange rates...

III. Ang konklusyon:
wagi ka, joe!


salamat nga pala sa Cu sa torture kaninang lunch. Kala ko ba gwapo? San dun?

C h i n i k a n i M i m o s e n u n g b a n d a n g 12:10 AM

Comments: Post a Comment