Wednesday, April 12, 2006
May Sasabihin Ako Pero...
May Sasabihin Ako Pero...
hindi pa ata ako handa at hindi pa rin siguro kayo handang makinig...
kailangan ko lang sigurong marealize na hindi tayo pare-parehas ng mga ipinaglalabang prinsipyo. Akala ko kasi dahil sa ibinigay na experience ng masci, lahat tayo may balak ipagpatuloy yung ideolohiya ng science,truth,country.
science,truth,country.
science. maraming salamat sa lahat ng naging science teachers ko lalung lalo na kay ma'am bunagan at pati na rin kay moki. pero mukang di ko talaga magagamit. nakakadepress minsan. na napapalibutan ako ng mga taong double or triple quota ang course na pinili. nakakapangliit. nakakapanghinayang. pero sa tingin ko, nararamdaman ko naman kung saan ako mas kakailanganin ng mundo.
truth. at sa panahong ito, nagsisimula akong magpakatotoo at maghanap ng katotohanan sa buhay ko.
country. dito nagsisimula ang lahat. sabi nila, sabi niyo- masyado akong idealistic. at syempre, nandito na rin yung pangamba ng mga magulang ko na kaya raw ako nag UP dahil nga tibak ako. (hindi naman no.) concerned lang ako talaga.
minsan iniyakan ko si Mutti, sabi ko parang ako lang ata ang may pakialam sa kapakanan ng bansa. (na hindi naman totoong ako lang..) Naiisip ko kasi, parang ang selfish ng ibang tao na ang pangarap lang para sa sarili. Oo, phony na kung phony pero mahal ko talaga ang Pilipinas.
Iilan lang ang mga bagay na kaya kong ipaglaban ng patayan..
ang Diyos...
ang Pamilya ko...
ang Channel 2 (hehe)
ang MaSci..
ang Ptolemy..
ang UP
at syempre ang Pilipinas..
ngayon, iniisip ko mag-aaral ako ng mabuti para makapaglingkod sa bayan, pero bakit ganun? Parang walang nakikiisa sa vision ko.
Akala ko lang yun, alam ko.
Sa ngayon, nauunawaan kong makitid pa ang utak ko. Pasensya na kung inaakusahan ko man kayo ng pagiging selfish. Alam kong hindi naman kayo talaga ganun.
Mahirap lang siguro yung ganito.. na magkakawatak-watak na...
At mahirap malamon ng sistema...
Hoy! Ikaw pa ba yan?
C h i n i k a n i M i m o s e n u n g b a n d a n g 1:52 PM