Tuesday, April 11, 2006
Usapang Kolehiyo
Usapang Kolehiyo
tantananan...
saan pa ba hahantong ang lahat? edi sa usapang kolehiyo.
Kahapon, nag pre-enlist ako online at sana lang masunod yung sked at subjects na pinili ko. At ano pa ba, edi maluha-luha ang lola niyo habang nakatitig sa monitor.
Punyemas in pajamas. College na ang igin na ito.yan siguro ang sinasabi lagi ni Vati (ang aking mahiwagang ama..)
Sino ba namang mag-aakala na (hooray-ness!) natupad na rin ang aking dream since kindergarten.
Feeling ko mamamatay ako sa first day. Kasi ba naman after how many years ng pagiging spoiled brat, bigla akong itatapon sa isang bagong environment na naman. Ika nga ni Mutti para daw akong anak ni "Gatuslao" ( o Gatus Lao man yan..)
Sino nga ba si Gatus Lao? Sabi ni Mutti ang nanay kong medyo barbero, may historical significance daw si Mr. Lao. Sabi niya isa raw ata siyang Chinese (malamang) trader noong unang panahon na yumaman sa pakikipag-kalakal (at mas malamang sa pandudugas) sa mga sinaunang Pinoy.
Ganun ako kalupet.
Parang anak ni Gatus, ehm.. Mr. Lao na lang.
Kamusta naman diyan?
At ano pa ba.. edi dilemma ang paghahanap ng titirahan sa college. Sa kabilang banda, chill out mode pa naman siguro ang sked ko sa first year.. at pwede sigurong mag-uwian. Sa madaling salita, pwede naman akong magsuicide araw-araw.
Pero hindi iyon ang plano ni Mutti. Kailangan ko na raw matutong mamuhay ng matino. At mula dito umuusbong ang isang bagong suliranin ng paghahanap ng boarding house o bahay ng kaklase. Ayoko kasi ng dorm. Actually, ayoko rin ng boarding house. Hindi ako masyadong komportable sa existence ng isang evil Landlord o Landlady sa buhay ko.
Kadalasan kasi, kami ng lola ko ang evil Land ladies na umaapi sa mga umuupa.
Mwahahahahaha..
At ano pa ba.. edi ikinonfirm ko na ang enrollment ni Carlo sa MBB.. Ganyan na naman ako kalupet.. Hanggang college, ako pa rin ang personal secretary niya.. hehe.. I wonder kung ifoforge ko pa rin ang pirma ng mommy niya hanggang college..
OOps.. napag-utusan lang po..
At ano pa ba.. Sadyang kay-init ng buga ng hangin ngayon... Summer ba ito o ito na yung mga ikinakanta ng Asin noon? Haay.. sa April 20 ay on-the-spot finals ng essay drama na sponsored ng UN.. syempre kakaririn ko dahil kailangan ko ng pera. 30k ang usapan.. Hehe.. At sa 30 naman ang deadline ng Carlos Palanca Essay drama..
Akalain niyo yan.. Syempre bilang isang "writer", malaking karangalan ang pagsali sa Palanca awards.. Eventually matatanggal na rin ang quotation marks sa tabi ng salitang writer manalo man o matalo ako.. Palanca Awards kaya yan oy!
At higit sa lahat.. masaya manalo ng pera..
haha..
syempre naman no! magpapaka-phony pa ba ako?
C h i n i k a n i M i m o s e n u n g b a n d a n g 1:18 PM