Wednesday, May 24, 2006
La Tortura Part II
Nasasaplutan ng malagkit na init ang nakababatong hapon na ito. Mula sa isang nakababagot na pagbabasa ng mga lumang diyaryo ay bigla niyang napag-isipang huminto. Tumayo. Humarap sa salamin.
Sinalat ang mukha. May labis. May kulang.
Hinahanap-hanap ng kaniyang balat ang sakit,ang hapdi.
Hawak ang instrumento sa kaniyang kanang kamay - nagsimula na naman ang panibagong...Hindi ko rin maipaliwanag ang obsession ko sa pagpapanatili ng isang maayos, malinis at matulis na kilay. Bahat hibla ng maikling buhok ay may nakalaang posisyon. Ito na siguro ang pinakamabisang ebidensya na may natutuhan din naman ako sa geometry.
Masakit.
At lalong masakit isipin na malaking bahagi ng aking panahon ay nagugugol ko sa pananakit sa sarili. Ayan na - at syempre may aangal diyan. Ano ba naman itong batang to?
Walang sense.
Pathetic.
Sorry ha! Ikaw ba naman ang ipinanganak na kasing lapad ng runway sa NAIA ang kilay!
Ewan ko lang kung hindi ka mabagabag.
...bangungot
Sino nga ba ang dapat sisihin? Ako? Ang media? Ang sang kalalakihan? O ikaw?
C h i n i k a n i M i m o s e n u n g b a n d a n g 2:58 PM