Thursday, May 18, 2006
LA TORTURA
LA TORTURA
Pounds to burn: 30!!!
Pounds lost: 9
Pounds regained: 6
In short... 3 punds lang ang kinahantungan ng work out effect.
Na-obsess na naman akong mag -work out. This time, I'm more serious about getting in shape, at proof ng aking seriosity ang mga sumusunod:
* Bumili ako ng crunch/stability ball
(actually, instability ball dapat ang tawag dyan dahil muntik na kong mabagok while trying to imitate a magazine exercise guide)
*functional na ulit ang weights na inarbor ko mula kay Tito.
* Hindi na ako umiinom ng softdrinks! As in! Wholeheartedly yan ah! Nawalan na ako ng lust for coke. Last time I tried sneaking a can, di ko rin naubos dahil lasang cardboard! (well, exemptions to the rule ay kapag kuripot mode ako at kasama ang softdrinks sa biniling value meal.)
I've always been comfortable with myself. The excess pounds never got in the way of my vanity. Gandang-ganda pa rin ako sa sarili ko! Hahahaha... Lalo pa ng nakita ko yung ads ng Dove sa Campaign for real beauty - yung extra large or extra sexy.. Ay naku, nagbabu talaga ako dun kay Mr. Personal Trainor na naging impakto sa buhay ko nung sembreak.
Pero syempre,bunga na rin ng aking pagmamature (kuno) naisip ko lang na kailangan talaga ang self-improvement. Kung ganito pa lang eh ang ganda ko na (Naks! Lakas ng fighting spirit ah!) it definitely wouldn't hurt to get better physically.
Ay! I take that back! It hurts so much pala, pero alam naman nating lahat na BEAUTY IS PAIN - either sakit sa katawan, damdamin o sa bulsa.
Minsan tuloy, natetempt akong tumira ng shabu.. diba? to get that instant supermodel look.
Sana lang talaga may patunguhang kagila-gilalas ang mga work out na ito. Bakit nga ba ako desidido ngayon?
*Hindi dahil sa pagpapasexy. Ay nako ha! Sexy naman ako kahit anong weather! (please see my world famous "humps" for verification)
*Pangit kasi kantahin ang UP NAMING MAHAL kung lumalawlaw ang fast ko sa braso! ",
*Kapag maganda ang self-image mo, syempre okey yun noh! Dudumugin ang parlor! Hahaha.
*walang magawa sa bahay...
*Ito ay isang magandang learning experience. Magka-alaman na kung may disiplina talaga!
Apparently, eh medyo bokya pa rin ako sa discipline department. Aba! I-try niyo kaya na mangarap magwork-out kyng may kasama kang lola sa bahay niyo na mahilig mamigay ng ensaymada at cinnamon rolls for fun!!!
"Sige na kainin mo na to.."
"Hindi po pwede kasi medyo nagwowork-out po ako ngayon eh."
"Ang sarap-sarap nito. Mahal pa naman bili ko nito, naalala kasi kita."
"Salamat po pero kina Mutti at Vati na lang po yan. Sabi kasi nila hinay-hinay daw po muna sa mga matatamis."
"Ayaw ka lang nila makatikim ng masarap!!1"
Ayun. edi kumagat naman ako, pero hindi naman ako napalayas sa hardin ng Eden dahil walang ibang nakakita. hehe. Last na talaga yun.
When all else fails, inaasahan kong patayan naman ang lakaran sa UP. Yun na lang.
Tumatanggap po ako ng mga payo, words of encouragement at ensaymada (paminsan-minsan!)
Go me! Go team!
**PAHABOL** Nahuli ko na ang culprit behind the 6 pounds re-gained! Lintik na PMS yan! rawwwrr!!
C h i n i k a n i M i m o s e n u n g b a n d a n g 4:35 PM