Monday, May 15, 2006
Maroon Diaries: Prologue
DAHIL COLLEGE NA (RAW) SI INENG:
PROLOGUE I -
Ang Alamat ng Pudpod na Bakya at Pagpapatuloy ng Kasaysayan ng mga P.U.T.A.
Lalalalalalalalalalala... walang magawa... text text kaya...
jobi to casti: ui, musta na? mis n kta.. :) nu na gngwa mo?
casti to jobi: ui! patapos na pala ang GNP! mis n rn kta. eto, magpapavalidate 4 a med. certificate.
jobi to casti: waaa! punyeta! anong validate? anong certificate yan??!!!
casti to jobi: aftr mo mkuha xray plate mo, have it validated @ UPHS. dun mo makukuha yung med. cert.
syempre, hindi na naman ako nagbasa. hindi na naman ako nagtanong. pano kasi, independence kuno ang drama ko. tipong, "yeaaaaaa!! i can do this!!!!"
syempre, akala ko lang yun. at lalong syempre, nang malaman ng magiting kong mamer na wala pa kong mga required achuchuchu.. kinaladkad nya agad ako papuntang diliman, commute pa ang gusto ha! (environmental scanning at familiarization effects)
ayan, edi go, go, go na.. At para maka-attract ng good vibes, sinuot ko ang aking mystical na puting bakya. eto pa pala, kami ni mutti ay mga disenteng kausap naman pagdating sa maraming bagay. wag lang sa oras.
edi, to make the story short.. (short pa raw oh!) na-late kami.. hanggang 11:00 am ang cut-off sa morning, at kung kelan pang-apat na lang kami sa pila... teneeeenn!!!
biglang nag-materialize ang isang pink na tali : meaning don't call us, we'll call you.. at bumalik ng 1 pm
badtrip naman! at least pink yung tali.. :)
edi ayan na.. lunch effect sa historical gastronomical temple na kung tawagin ay Rodic's na wala naman akong ideya na famous pala ito. (pero bakit ganun, sila talaga ang nasusunod! ganun sila ka-famous? umorder ang mamer ng pork sinigang.. beef ang binigay! umorder ako ng yellow tea effect, red ang binigay.. well..)
at pumila na ang mag-ina dahil nga naman active-activan ang mother. ayaw daw ng nahuhuli...
change location tayo: dun na ulit sa pila sa infirmary...
dito na nagsisimula ang bagong chronicles ng P.U.T.A
sa mga hindi nakaaalam, ang P.U.T.A ay ang lupon ng mga magulang na laging nagpupulong sa ilalim ng punong kaimito sa tapat ng masci. Parents Under the Tree Association po ito, at di ko alam na may UPD chapter din pala, haha.
edi ano pa ba! naloka ang mutti sa payabangan ng mga mahadero't mahaderang mamer at fafito!
"LB": ah eto ngang anak ko, ece yan eh.. tiningnan namin yung results nya, yung second choice nyang quota, pasado rin!
"Mrs. P": ako nga, lima anak ko. tatlo ang nasa up puro quota course.
dabah naman! parang "wala ka sa lolo ko" ang effect!
tahimik lang si mutti. sa isip-isip siguro niya..
"wala kayo sa anak ko. siya ang queen of the universe!!!!! mwahahahahahaha..."
yun lang.
C h i n i k a n i M i m o s e n u n g b a n d a n g 8:56 AM