Monday, May 15, 2006

Ptolemy is Ptolemy.

Ptolemy is Ptolemy.

Pamatay no! Parang Ana Maceda is Ana Maceda. (Sa mga di maka-relate, ayos lang yan. Di ko rin kilala kung sino si Ana Maceda - nalumang artista ata yan eh. Basta naging punchline yan ng jokes namin ni Erielle dati.)

Ito na. This is the moment ang drama. College-bound na ang mga GC, at predictably GC pa rin ang mga to sa susunod na mga taon.

Bago muna tayo magpakakolehiyo...Magdadrama muna ako...

"They said "I bet that they'd never make it", but just look at us holding on.."
Putek. Shaniah Twain pa yan ah! Pang Love Notes with Joe D'Mango!

Salamat sa lahat... Pero parang di yun sapat kaya iisa-isahin ko na lang kayo..

Simulan natin kay...

Bigating Justin! (hahaha.. nahawa na ko sa mga emcees sa FOPC..)
Badi ka na pala ngayon... Badi your face! (Charing lang..) Justin ka pa rin samin.. O kaya Jus.. O kaya Badion.. O kaya The Great Bioman... madalas senti.. feeling mo ikaw ang little lost sheep, pero sa totoo lang malaking bahagi ka ng Ptolemy.. natural! Sa tangkad mong yan! Dakilang financer ng projects at host ng review sessions-videoke showdowns!

Si Mama Lee naman, di ko naging kaclose masyado.. pero naramdaman ko naman ang sincerity mo lalo na ngayong senior year. Ibang klase ang pagiging pilosopo... Pati si Ma'am Mojica nabibilog nito eh! Pasaway din to eh! Laging may sariling way ng pagsosolve- in short, pinapasakit niya lagi ang ulo ni Ma'am Manalo.

Kamusta naman si grandslam-forever classmate kong si Casti? 4 years yun ah! Dami na nating napagdaan. As in sobrang dami! Buti naman at nagkaron ng GC Lane kaya feel ko ay ayos na talaga tayo ulit. (Na-brainwash ko pa to mag-UP! JOke!)

Si Eric naman ay naging one-time kalove team ko bilang si Boris at ako naman si Lady Morganna. Hehehe.. Mahal na mahal ko to kasi madali utuin.. Joke! Sobrang bait nito at ever-willing magtutor ng mga walang kukoteng tulad ko.

Si Bespren Chan- di ko to masyadong mamimiss. Hehe... BI to!!!! Tinuruan akong matulog at magcut tuwing Chem time with Ma'am Dep! Yan ang resident rocker ng Ptosh. Wala raw nakakarelate sa kanya masyado, at syempre mabait akong bata kaya friends kami nito.

Grade vulture... Si Anjo ang epitome ng batang gagawin ang lahat para sa grades.. As in lahat!!!!! Rivals siguro sila ni Ace sa chem at sa kabastusan. Pero pihadong lamang si Anjo sa kabastusan. Pag may umuungol sa gitna ng discussion siya na yun. O kung meron mang malakas ang loob ng sabihin ang mga katagang " Ti**, B***g at P*k*" sa klase.. Siya yun.. Kinikilabutan ako magtayp!!!

Universal GC! Yan si Edgar. Siguro mejo kasalanan ko rin kung bakit. Noon kasi, nafrustrate ang lolo nyo sa mga grades niya. Eh nagmaganda ata ako at nag-advise sa kaniya. Poof! It became Koko Krunch! Bangis niyan eh. Gullible.. Joke! Dating atheist na naconvert ni Ma'am Bunagan na maging "Tunay na Kristiyano". May kakaibang lalim din to... Hard-hitting journalist kuno sa mga write-up against Ping Lacson noon.

Eto na ang Batang Sinaniban ng Lahat ng Uri ng Kaartehan- si Jhek. Bwisit na bwisit ako dito nung first yr eh.. Pero love na love ko na to ngayon! Isa to sa mga kakaunting taong nakakaappreciate sa mga bagay ng kinatutuwaan ko tulad ng - fashion photography at ethnic chuvaness choreography. Pet din nga pala to ng Ptosh. Go figure.

Si Topher alyas Boy Kilay..(Kelly for short..) ang laging biktima ng aking boredom pag lunchtime. Mukha tong inosenteng grade 2 pupil, pero may kakaibang lalim... Super sipag din at talagang pinaghihirapan ma-achieve ang dreams na maging next Ma'am Jacob! haha..

Sunod na si Boy Bastos.. Ewan ko ba kung bakit ginagalang tong si Ace sa Einstein.. Samantalang sa Ptolemy, ito ang ugat ng lahat ng Kahalayan! Hehehe.. Boytoy din namin to eh.. Kakaiba ang sikmura para sa Chem. Nung mga panahong natutulog ako sa likod, nagsasagot yan sa board.

Si Brother na ba ang Kasunod??!!! Dapa!!! Dapa!!! Si Brother Lowell, ang ultimate performer ng klase. Pinasikat niya ang "Chalkledge Dance" na kahit mismong si Gary V. ay di kayang gawin. Notorious din siya sa Arinola Dance with matching mabahong tela effects. Historical din ang ginawa niyang paghagis ng hilaw na itlog sa klase ni Platy Luci. (Intentional kaya yun?!! hehehe..)

Si Anthony naman, isa pang binalahura namin sa Ptolemy.. na sinamba-samba naman sa section niya pagdating ng fourth year. Legendary ang friendship namin nito- syempre, maaalis pa ba sa alaala niya nung sinampal ko siya nung first year? Bihira to makausap ng matino pero sa akalain niyo't sa hindi.. siya ang nagsabi ng often quoted na "Always look at the bright side of life." Sana lang ay may bright side ang paglipad niya sa Maple-agogo-land.

Ssshhhh...Wag kayong maingay! Natutulog si Dan. Etong si Dan, laging antukin. Seatmate ko to pag English at everytime na mapapalingon ka sa kaniya, tulog! On the other hand, talented to (galing mag drawing..) at super lalim ng thoughts ("I don't want to believe in destiny but I have no choice.) Mga ganung effect.. Kaya siguro napabulalas si Platy Luci ng "Dan is a Revelation!" Haha.

Jack and Jill went up the hill.. Si Paulo a.k.a. "Pau-pau" or "Gapau" ay parang character ng nursery rhyme. Laging masaya at nakangiti kahit walang kausap. Ganyan ba talaga ang may mga madilim na nakaraan? Hehehe.. Legendary ang past lovelife nito sa Ptosh eh. Naging basis pa ng ilang award-winning role plays ang GNP! Ganyan nga Pau!
Naku baka naman dulot lang ng "Ec-stacy" ang hapiness mo? Quotable quote.. "It's morphine time!"

Music please.. Papalag ka ba sa anak ni Kagawad?! Si Rudy El ang aking magiting na Sugar Daddy na kaysarap huthutan ng salapi! Yebeyebe! Ala- Mr. Simpatiko rin yan minsan eh. At kung payabangan lang naman ang usapan.. wala ka sa lolo ko! Yabang kung yabang ang drama! May ipagyayabang din naman eh...lalo na sa Comsci kung saan api-apihan kami sa grupo ni Ekai.

Si Lyndon a.k.a. "Mang Ambo" ang nagpakilala samin sa buhay tambay sa kanto. Siya rin ang nagpasikat ng platinum hit na "Provincia" ("...tayo'y uminom,uminom..tayo'y maglasing,maglasing..") Gago yan si Pardo eh! Aakalain mo bang matinong estudyante yan?! Pero wag ka, astig sa breakdancing yan! Ewan ko ba, bigla na lang siyang nagmorph into a mega-brain. Trivia: Sa kaniya rin namin unang narinig ang term na "Nakabayubay"

Si Eskos (Erielle for you) ang madalas kong partner in crime.Kasama ko rin to sa legendary Team Caulerpa research. Sobrang click ang mga bungo namin. Pano ba naman, siya lang ata ang tanging tao sa MaSci na nakakarelate pag nagjojoke ako tungkol sa Apat na Sikat at kay Ana Maceda. Kapanalig ko rin siya bilang fan ni Chona Mae at ni Zaturnah Zsahzsah (o is it the other way around??!!). Volunteer boy din to eh! Laging epal! hahaha... at di nawawalan ng energy sa lahat ng galaan.

Si Jomar.. whew! Undeniable ang talent sa essays at sa history. Siya ang tanging taong kilala ko na nagbabasa ng "A History of the Far East" ni K.S. Latourette for leisure!!! Madalas seryoso, pero wag ka... bigla-bigla rin yang napapakanta ng "Wag na Wag mong Sasabihin" (in the key of Z dahil sobrang baba nga lang!)

Go See Go! Go See Go! GO! Hahaha.. eto? Bakit nga ba to naging heartthrob eh mukha tong monay dati? Si Jansei,ang aking dakilang user na seatmate sa Physics.. laging nanghihiram ng sci-cal.. World-famous na naman na ang kaniyang math prowess. Do I need to elaborate? Ganito lang yan. Papasok siya ng late sa math, manggugulo ng teacher at makakakuha ng perfect score sa test. Bow.

At syempre... last but definitely not the least ay itong si Maku. Adik to eh.. sa food!!! Kita naman eh.. hehe... Leader yan ng Team Caulerpa at responsible rin dahil siya ang pumalit sakin sa defense ng research nung nilayasan ko sila.. joke.. Corny..sobrang corny mag-joke na dudugo ang ilong mo.. Marami na rin kaming napagdaanan nito.. Akalain mo bang kasama ko tong nag-ballet sa harap ng MaSci world??!!!

Patawad kung may nakalimutan ako sa boys... yan lang muna mga darling at masakit na ang fingers ng lola niyo mula sa typing drama na ito!

Kita-kits bukas.. (kung mabait pa rin ang PC ko..)

C h i n i k a n i M i m o s e n u n g b a n d a n g 7:50 PM

Comments: Post a Comment