Monday, May 15, 2006
Siya nga!
Siya Nga!!!
DAHIL COLLEGE NA RAW SI INENG:
PROLOGUE II-
"Siya nga o siya nga ba? Unahan lang yan sa pila."
etong post ay mejo walang katuturan. sa susunod na lang yung maaksyong bahagi ng enrolment sa upd na nakakahaggard talaga! At sabi ni Ate Popples Marie (na chinika-chika namin ni candice..) un pa raw ang friendly version ng enrolment for freshies dahil nga naman, baka ma-trauma kami agad.
ang weird no. Freshie na naman ako. Mami-miss ko rin yung mga panahong ibinabandera namin ang aming mga mahiwagang blue card.
Naalala ko tuloy nung freshie pa ko sa Masci. Traumatic yun pare. Haha. Dun naganap ang mga legendary "daragan" moments. At ito ang pinaka-memorable line na narinig ko..
"This is a blue id. That is a green id. Do you see the significance of that?!" (Sabay hands on hips pa! Ui, Mia.. remember this? hehe..)
Parang si Cherie Gil dabah? Na mala- "You're nothing but a sceond-rate chuvaness.."
Sabi nga nila.. Sagrado ang pila sa UP. Lahat pipilahan mo talaga. Sa kahabaan ng pila, at madalas pabalik-balik pa kami ni candice dahil mali ang pinipilahan namin dahil di kami nagbabasa.. ang dami na naming friends! Syempre nanjan si Ate Popples Marie (hindi ko na matandaan ang totoong name nya.. ang mahalaga dyan eh may "Marie" din siya at kapwa naming chorlaloo ni Dys.)
"Anong school niyo?"
"Masci po."
"Ah. kaya naman pala ang chorva nyo eh."
See? Nagbunga na rin ang rigid special science curriculum ng Masci.
Haha.
Sa haba ng pila, na forecast na namin ni Dys ang magiging takbo ng buhay namin... At biglang.. ZZAHLEKHQEIAPIEYdlhAHSKEKEKKAWWAWKK..
Ano daw?
YEHELARWERAJRSTYALEJN!
Ano daw? Hindi na rin talaga namin naintindihan ang sinabi nito ni Mr. uhm.. X.. Si Mr. X (ang creative noh?!) pero ang mahalaga.. cute siya at pihadong matalino, at may sense...at lagi naming makikita ni Dys sa CMC kaya hooray! hehehe...
Ahhhhh... Nangangamoy tweetums na naman...
At matapos ang ilang minuto.. wala pa rin kami sa dulo.. Nang biglang - (cue: any cheesy music..)
Wala lang. May nakita ako eh. Bakit ba?!
Ayun, napunta na rin sa dulo at nagbayad ng tuition. Enrolled na.
Yun na.
The End.
Hindi ako mag-eexplain!
Mwahahahahaha...
C h i n i k a n i M i m o s e n u n g b a n d a n g 9:49 AM