Sunday, June 18, 2006

Fresh na Fresh!

Haay naku, after some years eh balik na naman ako sa buhay feshie... Buhay bagito na puno ng katangahan moments. Pero, all in all enjoy naman! Lalo na't lagi akong napalilibutan ng 3 million na mascian batchmates.

Yeah! Party mode ito? Wala lang. Gusto ko lang i-share ang top 5 wonderful features ng buhay kolehiyo sa Unibersidad ng Pilipinas.

(in no particular order ang drama nito..)

1. Values Formation

At talagang values formation daw ito! Syempre, all of my life eh medyo nakakahon ako dahil nga naman unica hija at sadyang ikamamatay ng tatay ko kung mapariwara man ako. Well, after a week- I'm proud to say na nadagdagan naman ako ng 5 maturity points. 1 for being able to take care of myself. 1 sa pagiging kuripot. Yeah! Sobrang na-appreciate ko na talaga ang perang pinaghihirapan nila Vati at Mutti. 1 para sa pakikisama ko sa aking housemates pati na kina Mr. and Mrs. Some-Kinda-Evil Nex door neighbors. 1 for being responsible with my things at 1 point pa dahil nabawasan na ang pag-iinarte ko sa buhay.

2. Friends

Ang tindi ko dito ah! Medyo pang-international level ang pagiging Ms. Congeniality ko.. May new friend kasi akong Koreana, si Yong. Classmate ko siya sa Eng1. I introduced her to Baranggay Masci, at na-germbust naman siya sa pagiging super friendly ng aming tribo. Nagpapaturo nga pala siya ng Tagalog at so far, memorized na niya at buong pusong ginagamit ang mga katagang - Bangag, Chorva, Tambay at Isaw.

Yez,oh yez! Inspirational diba? hehe..

3. Travel

Ibang klaseng travel adventure meron dito sa UP diliman. Sa sobrang lawak eh, may sariling timezone na ata ang ibang building. Dito, sobrang natutunan kong magpasalamat sa Diyos na binigyan Niya ako ng mga paa. Hindi kasi dito uso ang naka-car, at kahit may Ikot at Toki jeeps eh mas feel ko maglakad (nagkukuripot kasi!) At syempre, mas maganda mag-sight seeing ng mga fafables while walking.

Work-out ito! And yes, I checked last night. I lost weight! Hahaha.. Hintay kayo next sem sa beauty ko!!!

4. Food

Bukod sa pagiging premiere State U (naks, at galing pa ko sa premiere Science high) isa ring gastronomical heaven ang UP. Nagkalat ang mga kainan, na napaka-affordable ng mga putahe. At sa mga panahon ng extreme poverty, eh sugod na lang sa mga fishbol carts at sa mga isawan.

Pero wag ka, di lang pang mga purita ang isaw effects! Nung once na tumambay kami eh, kasabay namin ang mga pajero boys from Ahrrneooww at umorder sila ng 300 pesos worth ng isaw at 200 pesos worth ng Mang Larry's funkydelic funkers. (Ayon kay Mang Larry, esophagus daw ung crunchy watevers na fave namin ni Candice, pero masagwa namang tawaging esophagus. So, funkers na lang. Tutal, eh ang funky nga naman ng lasa!)

5. Culture and Diversity

Ito ang teleserye ng totoong buhay. May mga pinoy, koreano, chinoy, hapon. May blue ang buhok. May maputi. May muslim. Lahat talaga ng klase ng tao nandito. At ukol naman sa culture, eh sobrang na-germbust ako sa presentasyon ng Kontra Gapi noong welcome assembly.

Anong Kontra Gapi?
Ito ang Kontemporaryong Gamelan Pilipino. Isang musical group na layuning ipalaganap ang kulturang pilipino sa pamamagitan ng mga etnikong musika ng bansa.

Sandali. Parang di ko rin naintindihan yung sinabi ko. Just think--> ung mga chant,gong and drum effects na ginagawa natin pag sabayan. Yun yon, ang so much more.

Sobrang astig, at balak talaga namin ni Candice na sumali dun.

Winner dabah?

Well, sige.. babu muna mga darling at aasikasuhin ko lang ang mga curls ko! Mwahness!

C h i n i k a n i M i m o s e n u n g b a n d a n g 2:33 PM

Saturday, June 17, 2006

Bagay ba Sa'kin ang Kulot?

Bagay ba sakin ang kulot?
Bagay ba sa akin ang kulot?


Repeat 20 times... Hahaha...

Matapos kong magpaka-active eh inagiw na naman ay natatanging pruweba ng online existence ko. Well, alam niyo naman- katatapos lng ng first day high at first week funk ko..

Ang high at funky nga naman talaga!

Pero mauna muna tayo sa mga nagbabagang balita...

Yez,oh yez! Trulili nga ang chismis na nagpakulot na ako! Tapos na ang mga araw ng pagdurusa ng head mistress. Tinodo ko na ang kakulutan para naman di na ko gumising ng alas dos araw-araw para lang makapag-curling iron.

As if naman nagawa ko na yun dati.

Denial Queen oh!

Hahaha. Well, syempre.. Kailangang alisin ang lahat ng balakid sa matiwasay kong pag-aaral, at isa dun ang hair moments. Dahil kulot na ngang tunay ang lola niyo, eh no-fuss na ang drama at kering-keri ang sabog look.

I-justify pa daw ba!

At isa pa, eh tanda yan ng aking renaissance! Charing! Wala lang.. Eh feel ko eh! At pera ko naman ang ipinanglustay sa kagagahang ito kaya sakyan niyo na lang ang kulut-kulutang himutok ng hair ko.

Whooo! If i know, natetempt ka riiiinn...
Sige naaaa... Pakulot ka na rin...

Di na uso ang Morticia Addams rebonded hair no...

Anyway, gusto ko lang i-share sa inyo ang hostility na nararanasan ko sa ibang tao dahil sa pagiging curlytop.

Noong pasakay kasi ako ng mrt, may couple sa likod ko sa pila na halata namang ako ang pinagchichismisan. Itinuturo kasi ako ng lalaki sa kasama niyang gurlaloo.. "Ayun oh, yung naka hot pink!"

At sino pa naman ba ang may ganang mag-hot pink sa tanghaling tapat?! hehe.. syempre, ako yun!

Anyways, etong si lalake eh ewan ko ba kung anong problema sa curly hair ko. Sabi nya pa, "Mukhang scotch-brite!"

Excuuusseee meeeee... Well, ito na lang ang dinayalog ko sa sarili ko (na loud enough para marinig ni evil man..) "Lalalalala...At least I have hair.."

Aba, hulaan niyo kaya kung sino saming dalawa ang kalbo.. *wink*

C h i n i k a n i M i m o s e n u n g b a n d a n g 6:45 PM

Thursday, June 01, 2006

Active-activan!

Ilang araw ding nawala ang aking magical blogging powers. Ito ay dulot ng aking shocking involvement sa isang aktibidad na medyo malayo ang koneksyon sa akin...

kasi, for the past two days ay naging busy ako sa Youth Formation ng aming church sa aking lovely hometown...

(Audience: Gasps!)

Oo! Totoo yan ha!

Oh yes! Kamusta naman at medyo napudpod kahit papano ang sungay ko..

Well, ayos naman ang nasabing event, kaya lang dahil nasanay ako sa medyo prestigious na YMCA at iba pang masasabing may-"kasosyalang" events eh dumali na naman ang pagiging mahadera ko.

Hay naku! Kaloka! For one eh wala ni isa mang monobloc chair sa venue - na medyo okay lang naman sana kung 30 minutes lang yung buong event. Eh kaso inabot kami hanggang 10 pm nung first day. At hindi naman masyadong kaiga-igaya ang pag-upo maghapon sa sahig. Lalo na kung ikaw ay nakasuot ng LPJ.

Ano ang LPJ? Ito po ang Labas-Panty Jeans. Bakit ako meron nun aber? Eh kasi, kinailangan kong bumili ng mga bagong pantalon. So sukat naman ako ng mga jeans at pag maganda ang fit eh go na! Aba't ano'ng malay ko naman na hindi pala siya specially designed para sa mga pagkakataong uupo ka sa sahig.

Anyways, katulad ng lahat ng events na napupuntahan ko - eh, naimbyerna rin ako sa crowd. Kasi, medyo harsh ang mga "youth" samin. Hehe. Yung tropang "smokes-a-lot-drinks-a-lot". At syempre, dahil clean living na ako ngayon (hahaha) eh ganun na lang ang asar ko sa kanila.

At eto pa pala, naglipana rin ang tropa ng mga Grande Poseur! Hello?!! Youth Formation kaya yun? Mag Marilyn Manson get-up daw ba?

Oh well, chinika ko ang aking mga obserbasyon kay Mutti. "Minsan, matuto ka dapat makisama sa ibang uri ng tao. Ang kinatutuwaan mo lang kasi yung mga katulad mo mag-isip at yung mga masasakyan ang trip mo."

Gad. Kasalanan ko bang maging super demanding sa atmosphere? Oh well, narealize ko naman na bilang Queen of the Universe, kailangan ko ngang masanay makihalubilo sa lahat ng tao.

Who knows, dabah? Malay niyo't maging Miss Congeniality pa ko along the way!

All in all,masaya rin naman yung Youth Formation. I'm sure kung nandun sila Brother Lowell at si Erielle eh mag-eenjoy sila ng todo. Every two minutes kasi eh may dancing portion.

At kapag sinabing dancing dun.. DANCING TALAGA!

Yeah!!

Chaka lang kasi maliit ang populasyon ng mga matitipunong lalake. At karamihan sa kanilang present ay either taken na o may kayabangan! Ang tanging notable sighting ay si Kuya Randy... Kuya daw oh! Hahaha...

Articulate, polite, nice, very friendly - in short matino ang pamumuhay niya...

Ang big reveal ay ganito - may singsing siya sa ring finger ng left hand.

He's not married. He's only 20 years old. It's far worse than that.














Seminarista siya!
Nananadya ang world! Talagang gusto niyo akong magkasala ha! -_-

C h i n i k a n i M i m o s e n u n g b a n d a n g 7:16 PM