Thursday, June 01, 2006

Active-activan!

Ilang araw ding nawala ang aking magical blogging powers. Ito ay dulot ng aking shocking involvement sa isang aktibidad na medyo malayo ang koneksyon sa akin...

kasi, for the past two days ay naging busy ako sa Youth Formation ng aming church sa aking lovely hometown...

(Audience: Gasps!)

Oo! Totoo yan ha!

Oh yes! Kamusta naman at medyo napudpod kahit papano ang sungay ko..

Well, ayos naman ang nasabing event, kaya lang dahil nasanay ako sa medyo prestigious na YMCA at iba pang masasabing may-"kasosyalang" events eh dumali na naman ang pagiging mahadera ko.

Hay naku! Kaloka! For one eh wala ni isa mang monobloc chair sa venue - na medyo okay lang naman sana kung 30 minutes lang yung buong event. Eh kaso inabot kami hanggang 10 pm nung first day. At hindi naman masyadong kaiga-igaya ang pag-upo maghapon sa sahig. Lalo na kung ikaw ay nakasuot ng LPJ.

Ano ang LPJ? Ito po ang Labas-Panty Jeans. Bakit ako meron nun aber? Eh kasi, kinailangan kong bumili ng mga bagong pantalon. So sukat naman ako ng mga jeans at pag maganda ang fit eh go na! Aba't ano'ng malay ko naman na hindi pala siya specially designed para sa mga pagkakataong uupo ka sa sahig.

Anyways, katulad ng lahat ng events na napupuntahan ko - eh, naimbyerna rin ako sa crowd. Kasi, medyo harsh ang mga "youth" samin. Hehe. Yung tropang "smokes-a-lot-drinks-a-lot". At syempre, dahil clean living na ako ngayon (hahaha) eh ganun na lang ang asar ko sa kanila.

At eto pa pala, naglipana rin ang tropa ng mga Grande Poseur! Hello?!! Youth Formation kaya yun? Mag Marilyn Manson get-up daw ba?

Oh well, chinika ko ang aking mga obserbasyon kay Mutti. "Minsan, matuto ka dapat makisama sa ibang uri ng tao. Ang kinatutuwaan mo lang kasi yung mga katulad mo mag-isip at yung mga masasakyan ang trip mo."

Gad. Kasalanan ko bang maging super demanding sa atmosphere? Oh well, narealize ko naman na bilang Queen of the Universe, kailangan ko ngang masanay makihalubilo sa lahat ng tao.

Who knows, dabah? Malay niyo't maging Miss Congeniality pa ko along the way!

All in all,masaya rin naman yung Youth Formation. I'm sure kung nandun sila Brother Lowell at si Erielle eh mag-eenjoy sila ng todo. Every two minutes kasi eh may dancing portion.

At kapag sinabing dancing dun.. DANCING TALAGA!

Yeah!!

Chaka lang kasi maliit ang populasyon ng mga matitipunong lalake. At karamihan sa kanilang present ay either taken na o may kayabangan! Ang tanging notable sighting ay si Kuya Randy... Kuya daw oh! Hahaha...

Articulate, polite, nice, very friendly - in short matino ang pamumuhay niya...

Ang big reveal ay ganito - may singsing siya sa ring finger ng left hand.

He's not married. He's only 20 years old. It's far worse than that.














Seminarista siya!
Nananadya ang world! Talagang gusto niyo akong magkasala ha! -_-

C h i n i k a n i M i m o s e n u n g b a n d a n g 7:16 PM

Comments: Post a Comment