Sunday, June 18, 2006

Fresh na Fresh!

Haay naku, after some years eh balik na naman ako sa buhay feshie... Buhay bagito na puno ng katangahan moments. Pero, all in all enjoy naman! Lalo na't lagi akong napalilibutan ng 3 million na mascian batchmates.

Yeah! Party mode ito? Wala lang. Gusto ko lang i-share ang top 5 wonderful features ng buhay kolehiyo sa Unibersidad ng Pilipinas.

(in no particular order ang drama nito..)

1. Values Formation

At talagang values formation daw ito! Syempre, all of my life eh medyo nakakahon ako dahil nga naman unica hija at sadyang ikamamatay ng tatay ko kung mapariwara man ako. Well, after a week- I'm proud to say na nadagdagan naman ako ng 5 maturity points. 1 for being able to take care of myself. 1 sa pagiging kuripot. Yeah! Sobrang na-appreciate ko na talaga ang perang pinaghihirapan nila Vati at Mutti. 1 para sa pakikisama ko sa aking housemates pati na kina Mr. and Mrs. Some-Kinda-Evil Nex door neighbors. 1 for being responsible with my things at 1 point pa dahil nabawasan na ang pag-iinarte ko sa buhay.

2. Friends

Ang tindi ko dito ah! Medyo pang-international level ang pagiging Ms. Congeniality ko.. May new friend kasi akong Koreana, si Yong. Classmate ko siya sa Eng1. I introduced her to Baranggay Masci, at na-germbust naman siya sa pagiging super friendly ng aming tribo. Nagpapaturo nga pala siya ng Tagalog at so far, memorized na niya at buong pusong ginagamit ang mga katagang - Bangag, Chorva, Tambay at Isaw.

Yez,oh yez! Inspirational diba? hehe..

3. Travel

Ibang klaseng travel adventure meron dito sa UP diliman. Sa sobrang lawak eh, may sariling timezone na ata ang ibang building. Dito, sobrang natutunan kong magpasalamat sa Diyos na binigyan Niya ako ng mga paa. Hindi kasi dito uso ang naka-car, at kahit may Ikot at Toki jeeps eh mas feel ko maglakad (nagkukuripot kasi!) At syempre, mas maganda mag-sight seeing ng mga fafables while walking.

Work-out ito! And yes, I checked last night. I lost weight! Hahaha.. Hintay kayo next sem sa beauty ko!!!

4. Food

Bukod sa pagiging premiere State U (naks, at galing pa ko sa premiere Science high) isa ring gastronomical heaven ang UP. Nagkalat ang mga kainan, na napaka-affordable ng mga putahe. At sa mga panahon ng extreme poverty, eh sugod na lang sa mga fishbol carts at sa mga isawan.

Pero wag ka, di lang pang mga purita ang isaw effects! Nung once na tumambay kami eh, kasabay namin ang mga pajero boys from Ahrrneooww at umorder sila ng 300 pesos worth ng isaw at 200 pesos worth ng Mang Larry's funkydelic funkers. (Ayon kay Mang Larry, esophagus daw ung crunchy watevers na fave namin ni Candice, pero masagwa namang tawaging esophagus. So, funkers na lang. Tutal, eh ang funky nga naman ng lasa!)

5. Culture and Diversity

Ito ang teleserye ng totoong buhay. May mga pinoy, koreano, chinoy, hapon. May blue ang buhok. May maputi. May muslim. Lahat talaga ng klase ng tao nandito. At ukol naman sa culture, eh sobrang na-germbust ako sa presentasyon ng Kontra Gapi noong welcome assembly.

Anong Kontra Gapi?
Ito ang Kontemporaryong Gamelan Pilipino. Isang musical group na layuning ipalaganap ang kulturang pilipino sa pamamagitan ng mga etnikong musika ng bansa.

Sandali. Parang di ko rin naintindihan yung sinabi ko. Just think--> ung mga chant,gong and drum effects na ginagawa natin pag sabayan. Yun yon, ang so much more.

Sobrang astig, at balak talaga namin ni Candice na sumali dun.

Winner dabah?

Well, sige.. babu muna mga darling at aasikasuhin ko lang ang mga curls ko! Mwahness!

C h i n i k a n i M i m o s e n u n g b a n d a n g 2:33 PM

Comments: Post a Comment