Sunday, May 28, 2006
Pressure's On!
I'm done!!!
The essay was pretty much half-baked, though. Nakakaasar naman ako.
Anyways, my cousin Iza finally came home and showed up after months of her stint as a rebel warrior thingie. Ayan, patapos na ang family drama moments. It's time for closure.
Right now, she's at our house introducing her husband to my grandparents.
Oh, and she's 2 months pregnant too.
Which is great.
In the Villanueva side there only 3 girls in the third generation. Two of them have recently married and are currently pregnant.
Napag-iwanan na naman ako sa uso.
Haha. Not as if I have any plans to get married and get pregnant right now.
So sa ngayon, magpapasimula na lang ako ng bagong uso -
Right Guy, Wrong Time.Anyways, para sa mga dakila kong fans (mga tatlo lang sila at isa dun kamag-anak ko pa ata.. Hehe) na patay na patay malaman ang uri ng lalakeng nakapagpapalaway sa isang parloristang tulad ko...
Click Mo To!
By the Way, extended up to August 1 ang filing of application.
Ready, Set, Attack!
C h i n i k a n i M i m o s e n u n g b a n d a n g 6:07 PM
Friday, May 26, 2006
what your emails say about you
I am online almost everyday, but I only check my emails once in awhile.
If you get the chance to take a peep into my inbox, you might think I am a very boring weirdo.
Aside from the usual crapload from Friendster, and my daily updates from Oprah.com - I only get some newsletters from Coldplay.com and yes, Dolce and Gabbana.
What the?!
Right. It's like I'm 16 going on 60.
And now, my inbox is filled with mails from UN people. I even got an invitation to a Universal Peace rally thing at Shangri-la.
Gad. Ano ba naman tong mga lakad ko?
The only thing I want to do right now is to go to a coffee shop with a couple of friends, check out new books at PowerBooks and go see a movie..
Ang pathetic ng life ko pare.
Just now, I received the email from Mario. I realized that my chance of winning the ISO Helmut Reihlen Awards is- 0.00000000000000001%
How sad, darlings...
Kasi ba naman, the age requirement is 35 and below. Plus, this is the first time that the Philippines would be joining. SO asa naman ako.
What do I know diba?
Gaaah. So long to my dreams...
On the other hand, if someone manages to get me drunk this afternoon.. I might get started on that essay (which is due Monday morning).
So eto talaga ang kapalit ng isang stable lovelife?
C h i n i k a n i M i m o s e n u n g b a n d a n g 4:37 PM
Thursday, May 25, 2006
Business is booming.
Hello, my dears!
I was about to take a bath this afternoon (after pretending to be working out) when my phone rang.
It was Mario from DTI-BPS.
Mario, always the bringer of good news.
"Hello..."
and he went talking about my winning entry last october and that they will be sending my entry to an international essay writing contest sponsored by ISO.
It sounds delicious, go on.
I actually heard "IPO" (Intellectual Property Office) and so I thought I needed to sign some papers. Or, the thought of another radio (or possibly TV?) guesting came to mind.
Okay, so I have to modify my entry a bit to suit the theme given by ISO.
Here's the really juicy part that got me all interested.
1. Finally! A chance to represent the Philippines in an International thing. (I almost did before, but I realized I really couldn't write a play on Philippine Immigration to Hawaii.)
2. A chance to win 3000 Swiss francs, or 1000 Swiss francs or even just 500 Swiss francs wouldn't be bad at all.
3. That's not all! (Call right now and you'll receive the limited edition - huh?) I may also get the chance to go to Canada.
Canada - which reminded me of something, and, err someone.
I like freebies! Especially travel freebies! Well, I don't spend anything during family trips but I've always wanted to go abroad with someone else paying for everything! Haha.
So maybe, I shouldn't be so disappointed about giving up my shot at this year's Palanca Awards. God really loves me.
Maybe this is His way of saying - "Neng, CAREER MUNA BAGO LOVELIFE!"
Ha!
If this is the compensation for all the sucky things that ever happened to me as far as relationships go - Juice ko Day! I love being single! (for now ha!)
At bakit naman napunta dito ang usapan? Dahil yan dito -
In other news... My neighbor, semi-childhood friend and former pre-school classmate Tatum just had a suicide attempt this very afternoon.
He downed 13 tablets of biogesic in one go - all with a swig of beer as I've heard. I saw him being carried out of his house. Grabe! Lupaypay talaga!
The reason? Uhm, he had a fight with his girlfriend.
Two points:
1. That's shallow! Gaaah! I'm not here to judge, but that's not a very good or noble reason to try killing yourself. I've done some pretty stupid things myself, all because of random stupidity over "love", but the worst that I have done so far was to cut my hair really short. (So now you know why I suddenly chop my hair off... hehe..)Oh, I also set my carpet on fire. That counts as stupid, right? Anyway, I really wouldn't even dare to think about killing myself because of some sucky, egoistic guy who doesn't like talking about certain issues and likes leaving one very clueless -
wait lang.. Hindi pala ako ang issue dito.. Balik na lang tayo kay Tatum.
2. That's weak, man! Bakit naman biogesic? If you've gathered enough courage (and insanity) to commit suicide, aba'y itodo mo na! Dapat sana Racumin na lang o kaya nakinig siya non-stop ng mga CD ng Sexbomb Dancers.
Hay naku, Tatum.
We went to pre-school together. We sort of grew up together, since our grandmothers were very close. Apparently, we were not very interested in each other. So after pre-school, no one tried to remember about him wearing a towel on his back (superman style) and about me always wearing my hair in pigtails that go way above my forehead.
What ever happened to that guy?
To think na partners pa naman kami bilang Mr. and Miss New Zealand nung nursery. Take note! Best in float ata kami nun ha! With matching cows and pasture effects.
Akalain mo yan? Ako? Miss New Zealand??
Sabay humirit ang impakto kong Tito - "baka yung sa aboriginal part.. hahaha!"
At least naging Miss New Zealand ako!!!!
C h i n i k a n i M i m o s e n u n g b a n d a n g 5:55 PM
Wednesday, May 24, 2006
994 to go!
Hmmm...
dati, 101 books lang ang kailangan ko sanang basahin...
Ngayon, 1001 na!
ang masaklap diyan- 6 pa lang ang nababasa ko... at least dun sa list of books from the 1800's up to the present.
at mas masaklap pa diyan- dapat pala eh matagal ko nang binabasa ang mga sumusunod na pamagat na pakalat-kalat lang sa kwarto ko.
Pride and Prejudice
Ethan Frome
The Turn of the Screw
at iba pang classic chuvanelles na hanggang page 14 lang ang naabot ko.
Sumuko na rin pala ako sa Tandang Basio Macunat! Di kinaya ng brain waves ko eh!
At ano naman kaya ang mapapala ko kung makukumpleto ko yung list?
Wala.
Siguro, fame...
o kaya, at the very least - self-actualization.
Amen.
C h i n i k a n i M i m o s e n u n g b a n d a n g 4:03 PM
Si Tandang Basio Macunat
Ibang klase na talaga ang teknolohiya!
Akalain niyo bang makakakita ako ng libreng e-book ng "Si Tandang Basio Macunat"!!!
Salamat na lamang sa project Gutenberg- akala ko isang panaginip lang ang lahat!
Sa mga hindi nakaaalam, ang librong "Si Tandang Basio Macunat" ay nabanggit sa akda ni Jose Rizal na El Filibusterismo. Pinayuhan ni Hermana Penchang (siya nga ba yun? o ibang hermanang chuvaness?) si Huli na basahin ang nasabing libro.
Ayon sa El Fili, ang librong ito raw ay tungkol sa kahalagahan ng kalabaw.
I swear! Basahin niyo ulit yung El Fili niyo! Ung unabridged version na isinulat sa lumang tagalog!
At ngayon, habang walang magawa - babasahin ko na si Tandang Basio...
nang malaman ang kahalagahan ng kalabaw.
Ang taraaaay! Ang gandaaa! Parang nagpasalon!
C h i n i k a n i M i m o s e n u n g b a n d a n g 3:13 PM
La Tortura Part II
Nasasaplutan ng malagkit na init ang nakababatong hapon na ito. Mula sa isang nakababagot na pagbabasa ng mga lumang diyaryo ay bigla niyang napag-isipang huminto. Tumayo. Humarap sa salamin.
Sinalat ang mukha. May labis. May kulang.
Hinahanap-hanap ng kaniyang balat ang sakit,ang hapdi.
Hawak ang instrumento sa kaniyang kanang kamay - nagsimula na naman ang panibagong...Hindi ko rin maipaliwanag ang obsession ko sa pagpapanatili ng isang maayos, malinis at matulis na kilay. Bahat hibla ng maikling buhok ay may nakalaang posisyon. Ito na siguro ang pinakamabisang ebidensya na may natutuhan din naman ako sa geometry.
Masakit.
At lalong masakit isipin na malaking bahagi ng aking panahon ay nagugugol ko sa pananakit sa sarili. Ayan na - at syempre may aangal diyan. Ano ba naman itong batang to?
Walang sense.
Pathetic.
Sorry ha! Ikaw ba naman ang ipinanganak na kasing lapad ng runway sa NAIA ang kilay!
Ewan ko lang kung hindi ka mabagabag.
...bangungot
Sino nga ba ang dapat sisihin? Ako? Ang media? Ang sang kalalakihan? O ikaw?
C h i n i k a n i M i m o s e n u n g b a n d a n g 2:58 PM
Tuesday, May 23, 2006
past confessions of the divine
natatawa ako sa mga pinagsusulat ko sa aking old blog. Gad! I am so mushy!
Game! Share the hilariosity!
Visit
my olde bloggie...
And die laughing.
C h i n i k a n i M i m o s e n u n g b a n d a n g 9:43 PM
hah!
kamusta naman ako?
ayun, sumugod sa meeting ng UN. Actually, it was lead by te UNV pala.
na-shock talaga ako! to the highest level.
at bakit kamo? kasi ako lang ang nag-iisang batang vaklush na nandun. Well, part ba ito ng aking diplomatic duties as the UNAP essay writing winner? Most of the people there were part of youth organizations such as RockEd,etc. All are college grads. At ano namang ginawa ko dun?
Maybe, they just wanted me to have an insight about how UN-sponsored events are usually planned. Before, I thought being part of the UN was mostly just charity work. No my dears. It's a very complicated thing- it's a highly technical ang scientific world out there.
I felt like I was six years old.
They were nice naman, and it felt pretty good to be surrounded by so many smart people. Naalala ko tuloy nung umatend ako ng seminar sa DLSU with Ma'am Bunagan and Rodolfo Semira. Hello! They were talking about fuzzy mathematics and E.coli. Ako naman- "oops! maling party ata ang napuntahan ko!"
At may sequel pa yan.. I was also a part of the round table discussion at the Asian Institute of Management (about safe sex yun ha!). Buti na lang at kasama ko sila Kuya Omar, Kuya RC at si Randolph, kaya hindi naman ako nagmukhang kindergarten next to Ces Drilon and Gilbert Remulla.
Haha. Ang stressful ng life na ito.
Narealize ko lang, mas gusto ko ang aking vakler na lifestyle. I can be serious pero mahirap pangatawanan. I'm also not the firm-handshake person, at namamatay ako pag kailangan ng mga social graces.
The good thing about this day, I was able to talk to someone from ROTARACT and he said he might be able to help provide resources for MDG related programs in MaSci.
Ayun.
Sa ngayon, ipopostpone ko muna ang dreams ko sa UN. Nakakaloka!
C h i n i k a n i M i m o s e n u n g b a n d a n g 8:54 PM
Monday, May 22, 2006
haha.
sey mo?!
haha.
na-shockingness naman ang lola niyo sa e-mail na natanggap ko from Dr. Nenet Ang of UNAP (batch '68 ata siya from Masci kaya naman medyo closeness kami)..
eh kasi naman, she's inviting me to attend an organizational meeting of the UNDP to tackle things like plans for the upcoming international youth day in 2006.
hahaha.
ok naman sana, at willing din naman ako umatend - kaso lang sa ayala ang meeting..
at ngayon ko lang na-realize kung ano ang ibig sabihin ng organizational meeting.
ang tanong:
Ano namang gagawin ko dun no?
hahahaha.
eh, alangan namang magpaka-vakler ako sa harap ng UNDP board.
Ay naku ha! Ka-stress ito! I never thought being civic minded can be this tough. To think na pinangarap kong maging UN ambassador.
On the other hand... nangangamoy freebies!
joke!
C h i n i k a n i M i m o s e n u n g b a n d a n g 5:01 PM
Saturday, May 20, 2006
whatev pare.
WHATEV PARE.
ergs...
Ermitanya mode...
I forgot to post the Prologue III of my pre-college diaries. The best pa naman sana yung orientation (with the special participation of the UP pep squad and mr. respect).
Pero wala na naman ako sa mood magsulat. Well, huli na to pero it's never too late to gloat.
bakit 'kamo?
kasi i got all of my subjects at the sked i want! mwahahahaha. everything talaga!!!
nyanyanyahahaha.
yun lang.
at eto pa pala -
Shet na malagkit. I so know who Mr. X is! Haha. I love technology talaga. I could not believe he's always been under my nose. Sa kabilang banda - wala akong balak isama si Mr. X sa aking grocery list dahil masyado siyang high profile at "famousy". Ako naman, ay isa lamang hamak na parlorista.
As with all cheesy telenovelas - "Napakalaki ng agwat ng inyong katayuan. Mahirap mangarap ng ganyan katayog, anak. Hindi ko sana nais na pangunahan ka sa buhay mo , ngunit mas makabubuti siguro kung kalimutan mo na lamang siya."
(Cue: "Gulong ng Palad" Ending Credits)
C h i n i k a n i M i m o s e n u n g b a n d a n g 4:54 PM
Thursday, May 18, 2006
LA TORTURA
LA TORTURA
Pounds to burn: 30!!!
Pounds lost: 9
Pounds regained: 6
In short... 3 punds lang ang kinahantungan ng work out effect.
Na-obsess na naman akong mag -work out. This time, I'm more serious about getting in shape, at proof ng aking seriosity ang mga sumusunod:
* Bumili ako ng crunch/stability ball
(actually, instability ball dapat ang tawag dyan dahil muntik na kong mabagok while trying to imitate a magazine exercise guide)
*functional na ulit ang weights na inarbor ko mula kay Tito.
* Hindi na ako umiinom ng softdrinks! As in! Wholeheartedly yan ah! Nawalan na ako ng lust for coke. Last time I tried sneaking a can, di ko rin naubos dahil lasang cardboard! (well, exemptions to the rule ay kapag kuripot mode ako at kasama ang softdrinks sa biniling value meal.)
I've always been comfortable with myself. The excess pounds never got in the way of my vanity. Gandang-ganda pa rin ako sa sarili ko! Hahahaha... Lalo pa ng nakita ko yung ads ng Dove sa Campaign for real beauty - yung extra large or extra sexy.. Ay naku, nagbabu talaga ako dun kay Mr. Personal Trainor na naging impakto sa buhay ko nung sembreak.
Pero syempre,bunga na rin ng aking pagmamature (kuno) naisip ko lang na kailangan talaga ang self-improvement. Kung ganito pa lang eh ang ganda ko na (Naks! Lakas ng fighting spirit ah!) it definitely wouldn't hurt to get better physically.
Ay! I take that back! It hurts so much pala, pero alam naman nating lahat na BEAUTY IS PAIN - either sakit sa katawan, damdamin o sa bulsa.
Minsan tuloy, natetempt akong tumira ng shabu.. diba? to get that instant supermodel look.
Sana lang talaga may patunguhang kagila-gilalas ang mga work out na ito. Bakit nga ba ako desidido ngayon?
*Hindi dahil sa pagpapasexy. Ay nako ha! Sexy naman ako kahit anong weather! (please see my world famous "humps" for verification)
*Pangit kasi kantahin ang UP NAMING MAHAL kung lumalawlaw ang fast ko sa braso! ",
*Kapag maganda ang self-image mo, syempre okey yun noh! Dudumugin ang parlor! Hahaha.
*walang magawa sa bahay...
*Ito ay isang magandang learning experience. Magka-alaman na kung may disiplina talaga!
Apparently, eh medyo bokya pa rin ako sa discipline department. Aba! I-try niyo kaya na mangarap magwork-out kyng may kasama kang lola sa bahay niyo na mahilig mamigay ng ensaymada at cinnamon rolls for fun!!!
"Sige na kainin mo na to.."
"Hindi po pwede kasi medyo nagwowork-out po ako ngayon eh."
"Ang sarap-sarap nito. Mahal pa naman bili ko nito, naalala kasi kita."
"Salamat po pero kina Mutti at Vati na lang po yan. Sabi kasi nila hinay-hinay daw po muna sa mga matatamis."
"Ayaw ka lang nila makatikim ng masarap!!1"
Ayun. edi kumagat naman ako, pero hindi naman ako napalayas sa hardin ng Eden dahil walang ibang nakakita. hehe. Last na talaga yun.
When all else fails, inaasahan kong patayan naman ang lakaran sa UP. Yun na lang.
Tumatanggap po ako ng mga payo, words of encouragement at ensaymada (paminsan-minsan!)
Go me! Go team!
**PAHABOL** Nahuli ko na ang culprit behind the 6 pounds re-gained! Lintik na PMS yan! rawwwrr!!
C h i n i k a n i M i m o s e n u n g b a n d a n g 4:35 PM
Alternate Lives
ALTERNATE LIVES
In some ways,I do not feel whole. What I hate about me is that I can be too inquisitive,too curious and too observant.
I want to know everything- but most of the things I discover only shatter me. Is something seriously wrong with me? I've always had this hunger- to seek and to learn for myself the many things that I don't understand. Sadly, the more I get to know about other people and the things surrounding them, the less I know about myself and the more I feel broken.
Yeah, right. Typical angsty, depressed teen who thinks he moping is worth reading.
I just wonder how some people seem to be so much more (than who I thought they are) when detached from my self-prescribed world. Maybe I just have to learn that I have not written the book and the world does not revolve because I said so.
How come I don't have a passion? How come I canot devote myself wholly into something or someone? How come I wasn't gifted with the capacity to love? Worse, how come I'm not worthy?
God knows what is due to me. I shall have to learn how to wait and hope with no questions asked.
Most of the time, I feel like I am too young. Well, 16 is too young for pretty much everything. It seems like from the moment I turned 9, my youth has been snatched from me.
And now I am lost - I have to forge my own path and most importantly, my own character. They say, the problem with me is that I can be too idealistic. I live in my own Utopian society where everyone gives a damn about women empowerment and global warming.
Who am I? Who am I supposed to be? Am I really the gay man trapped in a giggly teen's overweight body? Am I the radical feminist who does yoga and refuses to shave her armpits?
As much as I'd like to embrace and foster individuality, sometimes I just wish that all we had to do was to fit ourselves into pre-conceived molds.
You are either the rocker chick or the soccer mom or the hippie or the CEO. It's so hard to be young and lost- you try to blend yourself and mix your own colors...
Red + Yellow+ Green + Orange + Blue and a bit of everything would eventually turn into muddy, greyish brown.
And they say, brown is ugly.
C h i n i k a n i M i m o s e n u n g b a n d a n g 4:22 PM
Tuesday, May 16, 2006
tell me what you see
What do you see?
http://mightyillusions.blogspot.com/2006/04/what-do-you-see-illusion.html
find out how much of your brain has been corrupted! grabe.. ibig sabihin hindi na ko inosente!!!!
the fruits of boredom , my friends...
tell me honestly what u saw ha!
C h i n i k a n i M i m o s e n u n g b a n d a n g 2:01 PM
Monday, May 15, 2006
Ptolemy is Ptolemy.
Ptolemy is Ptolemy.
Pamatay no! Parang Ana Maceda is Ana Maceda. (Sa mga di maka-relate, ayos lang yan. Di ko rin kilala kung sino si Ana Maceda - nalumang artista ata yan eh. Basta naging punchline yan ng jokes namin ni Erielle dati.)
Ito na. This is the moment ang drama. College-bound na ang mga GC, at predictably GC pa rin ang mga to sa susunod na mga taon.
Bago muna tayo magpakakolehiyo...Magdadrama muna ako...
"They said "I bet that they'd never make it", but just look at us holding on.."
Putek. Shaniah Twain pa yan ah! Pang Love Notes with Joe D'Mango!
Salamat sa lahat... Pero parang di yun sapat kaya iisa-isahin ko na lang kayo..
Simulan natin kay...
Bigating Justin! (hahaha.. nahawa na ko sa mga emcees sa FOPC..)
Badi ka na pala ngayon... Badi your face! (Charing lang..) Justin ka pa rin samin.. O kaya Jus.. O kaya Badion.. O kaya The Great Bioman... madalas senti.. feeling mo ikaw ang little lost sheep, pero sa totoo lang malaking bahagi ka ng Ptolemy.. natural! Sa tangkad mong yan! Dakilang financer ng projects at host ng review sessions-videoke showdowns!
Si Mama Lee naman, di ko naging kaclose masyado.. pero naramdaman ko naman ang sincerity mo lalo na ngayong senior year. Ibang klase ang pagiging pilosopo... Pati si Ma'am Mojica nabibilog nito eh! Pasaway din to eh! Laging may sariling way ng pagsosolve- in short, pinapasakit niya lagi ang ulo ni Ma'am Manalo.
Kamusta naman si grandslam-forever classmate kong si Casti? 4 years yun ah! Dami na nating napagdaan. As in sobrang dami! Buti naman at nagkaron ng GC Lane kaya feel ko ay ayos na talaga tayo ulit. (Na-brainwash ko pa to mag-UP! JOke!)
Si Eric naman ay naging one-time kalove team ko bilang si Boris at ako naman si Lady Morganna. Hehehe.. Mahal na mahal ko to kasi madali utuin.. Joke! Sobrang bait nito at ever-willing magtutor ng mga walang kukoteng tulad ko.
Si Bespren Chan- di ko to masyadong mamimiss. Hehe... BI to!!!! Tinuruan akong matulog at magcut tuwing Chem time with Ma'am Dep! Yan ang resident rocker ng Ptosh. Wala raw nakakarelate sa kanya masyado, at syempre mabait akong bata kaya friends kami nito.
Grade vulture... Si Anjo ang epitome ng batang gagawin ang lahat para sa grades.. As in lahat!!!!! Rivals siguro sila ni Ace sa chem at sa kabastusan. Pero pihadong lamang si Anjo sa kabastusan. Pag may umuungol sa gitna ng discussion siya na yun. O kung meron mang malakas ang loob ng sabihin ang mga katagang " Ti**, B***g at P*k*" sa klase.. Siya yun.. Kinikilabutan ako magtayp!!!
Universal GC! Yan si Edgar. Siguro mejo kasalanan ko rin kung bakit. Noon kasi, nafrustrate ang lolo nyo sa mga grades niya. Eh nagmaganda ata ako at nag-advise sa kaniya. Poof! It became Koko Krunch! Bangis niyan eh. Gullible.. Joke! Dating atheist na naconvert ni Ma'am Bunagan na maging "Tunay na Kristiyano". May kakaibang lalim din to... Hard-hitting journalist kuno sa mga write-up against Ping Lacson noon.
Eto na ang Batang Sinaniban ng Lahat ng Uri ng Kaartehan- si Jhek. Bwisit na bwisit ako dito nung first yr eh.. Pero love na love ko na to ngayon! Isa to sa mga kakaunting taong nakakaappreciate sa mga bagay ng kinatutuwaan ko tulad ng - fashion photography at ethnic chuvaness choreography. Pet din nga pala to ng Ptosh. Go figure.
Si Topher alyas Boy Kilay..(Kelly for short..) ang laging biktima ng aking boredom pag lunchtime. Mukha tong inosenteng grade 2 pupil, pero may kakaibang lalim... Super sipag din at talagang pinaghihirapan ma-achieve ang dreams na maging next Ma'am Jacob! haha..
Sunod na si Boy Bastos.. Ewan ko ba kung bakit ginagalang tong si Ace sa Einstein.. Samantalang sa Ptolemy, ito ang ugat ng lahat ng Kahalayan! Hehehe.. Boytoy din namin to eh.. Kakaiba ang sikmura para sa Chem. Nung mga panahong natutulog ako sa likod, nagsasagot yan sa board.
Si Brother na ba ang Kasunod??!!! Dapa!!! Dapa!!! Si Brother Lowell, ang ultimate performer ng klase. Pinasikat niya ang "Chalkledge Dance" na kahit mismong si Gary V. ay di kayang gawin. Notorious din siya sa Arinola Dance with matching mabahong tela effects. Historical din ang ginawa niyang paghagis ng hilaw na itlog sa klase ni Platy Luci. (Intentional kaya yun?!! hehehe..)
Si Anthony naman, isa pang binalahura namin sa Ptolemy.. na sinamba-samba naman sa section niya pagdating ng fourth year. Legendary ang friendship namin nito- syempre, maaalis pa ba sa alaala niya nung sinampal ko siya nung first year? Bihira to makausap ng matino pero sa akalain niyo't sa hindi.. siya ang nagsabi ng often quoted na "Always look at the bright side of life." Sana lang ay may bright side ang paglipad niya sa Maple-agogo-land.
Ssshhhh...Wag kayong maingay! Natutulog si Dan. Etong si Dan, laging antukin. Seatmate ko to pag English at everytime na mapapalingon ka sa kaniya, tulog! On the other hand, talented to (galing mag drawing..) at super lalim ng thoughts ("I don't want to believe in destiny but I have no choice.) Mga ganung effect.. Kaya siguro napabulalas si Platy Luci ng "Dan is a Revelation!" Haha.
Jack and Jill went up the hill.. Si Paulo a.k.a. "Pau-pau" or "Gapau" ay parang character ng nursery rhyme. Laging masaya at nakangiti kahit walang kausap. Ganyan ba talaga ang may mga madilim na nakaraan? Hehehe.. Legendary ang past lovelife nito sa Ptosh eh. Naging basis pa ng ilang award-winning role plays ang GNP! Ganyan nga Pau!
Naku baka naman dulot lang ng "Ec-stacy" ang hapiness mo? Quotable quote.. "It's morphine time!"
Music please.. Papalag ka ba sa anak ni Kagawad?! Si Rudy El ang aking magiting na Sugar Daddy na kaysarap huthutan ng salapi! Yebeyebe! Ala- Mr. Simpatiko rin yan minsan eh. At kung payabangan lang naman ang usapan.. wala ka sa lolo ko! Yabang kung yabang ang drama! May ipagyayabang din naman eh...lalo na sa Comsci kung saan api-apihan kami sa grupo ni Ekai.
Si Lyndon a.k.a. "Mang Ambo" ang nagpakilala samin sa buhay tambay sa kanto. Siya rin ang nagpasikat ng platinum hit na "Provincia" ("...tayo'y uminom,uminom..tayo'y maglasing,maglasing..") Gago yan si Pardo eh! Aakalain mo bang matinong estudyante yan?! Pero wag ka, astig sa breakdancing yan! Ewan ko ba, bigla na lang siyang nagmorph into a mega-brain. Trivia: Sa kaniya rin namin unang narinig ang term na "Nakabayubay"
Si Eskos (Erielle for you) ang madalas kong partner in crime.Kasama ko rin to sa legendary Team Caulerpa research. Sobrang click ang mga bungo namin. Pano ba naman, siya lang ata ang tanging tao sa MaSci na nakakarelate pag nagjojoke ako tungkol sa Apat na Sikat at kay Ana Maceda. Kapanalig ko rin siya bilang fan ni Chona Mae at ni Zaturnah Zsahzsah (o is it the other way around??!!). Volunteer boy din to eh! Laging epal! hahaha... at di nawawalan ng energy sa lahat ng galaan.
Si Jomar.. whew! Undeniable ang talent sa essays at sa history. Siya ang tanging taong kilala ko na nagbabasa ng "A History of the Far East" ni K.S. Latourette for leisure!!! Madalas seryoso, pero wag ka... bigla-bigla rin yang napapakanta ng "Wag na Wag mong Sasabihin" (in the key of Z dahil sobrang baba nga lang!)
Go See Go! Go See Go! GO! Hahaha.. eto? Bakit nga ba to naging heartthrob eh mukha tong monay dati? Si Jansei,ang aking dakilang user na seatmate sa Physics.. laging nanghihiram ng sci-cal.. World-famous na naman na ang kaniyang math prowess. Do I need to elaborate? Ganito lang yan. Papasok siya ng late sa math, manggugulo ng teacher at makakakuha ng perfect score sa test. Bow.
At syempre... last but definitely not the least ay itong si Maku. Adik to eh.. sa food!!! Kita naman eh.. hehe... Leader yan ng Team Caulerpa at responsible rin dahil siya ang pumalit sakin sa defense ng research nung nilayasan ko sila.. joke.. Corny..sobrang corny mag-joke na dudugo ang ilong mo.. Marami na rin kaming napagdaanan nito.. Akalain mo bang kasama ko tong nag-ballet sa harap ng MaSci world??!!!
Patawad kung may nakalimutan ako sa boys... yan lang muna mga darling at masakit na ang fingers ng lola niyo mula sa typing drama na ito!
Kita-kits bukas.. (kung mabait pa rin ang PC ko..)
C h i n i k a n i M i m o s e n u n g b a n d a n g 7:50 PM
Siya nga!
Siya Nga!!!
DAHIL COLLEGE NA RAW SI INENG:
PROLOGUE II-
"Siya nga o siya nga ba? Unahan lang yan sa pila."
etong post ay mejo walang katuturan. sa susunod na lang yung maaksyong bahagi ng enrolment sa upd na nakakahaggard talaga! At sabi ni Ate Popples Marie (na chinika-chika namin ni candice..) un pa raw ang friendly version ng enrolment for freshies dahil nga naman, baka ma-trauma kami agad.
ang weird no. Freshie na naman ako. Mami-miss ko rin yung mga panahong ibinabandera namin ang aming mga mahiwagang blue card.
Naalala ko tuloy nung freshie pa ko sa Masci. Traumatic yun pare. Haha. Dun naganap ang mga legendary "daragan" moments. At ito ang pinaka-memorable line na narinig ko..
"This is a blue id. That is a green id. Do you see the significance of that?!" (Sabay hands on hips pa! Ui, Mia.. remember this? hehe..)
Parang si Cherie Gil dabah? Na mala- "You're nothing but a sceond-rate chuvaness.."
Sabi nga nila.. Sagrado ang pila sa UP. Lahat pipilahan mo talaga. Sa kahabaan ng pila, at madalas pabalik-balik pa kami ni candice dahil mali ang pinipilahan namin dahil di kami nagbabasa.. ang dami na naming friends! Syempre nanjan si Ate Popples Marie (hindi ko na matandaan ang totoong name nya.. ang mahalaga dyan eh may "Marie" din siya at kapwa naming chorlaloo ni Dys.)
"Anong school niyo?"
"Masci po."
"Ah. kaya naman pala ang chorva nyo eh."
See? Nagbunga na rin ang rigid special science curriculum ng Masci.
Haha.
Sa haba ng pila, na forecast na namin ni Dys ang magiging takbo ng buhay namin... At biglang.. ZZAHLEKHQEIAPIEYdlhAHSKEKEKKAWWAWKK..
Ano daw?
YEHELARWERAJRSTYALEJN!
Ano daw? Hindi na rin talaga namin naintindihan ang sinabi nito ni Mr. uhm.. X.. Si Mr. X (ang creative noh?!) pero ang mahalaga.. cute siya at pihadong matalino, at may sense...at lagi naming makikita ni Dys sa CMC kaya hooray! hehehe...
Ahhhhh... Nangangamoy tweetums na naman...
At matapos ang ilang minuto.. wala pa rin kami sa dulo.. Nang biglang - (cue: any cheesy music..)
Wala lang. May nakita ako eh. Bakit ba?!
Ayun, napunta na rin sa dulo at nagbayad ng tuition. Enrolled na.
Yun na.
The End.
Hindi ako mag-eexplain!
Mwahahahahaha...
C h i n i k a n i M i m o s e n u n g b a n d a n g 9:49 AM
Maroon Diaries: Prologue
DAHIL COLLEGE NA (RAW) SI INENG:
PROLOGUE I -
Ang Alamat ng Pudpod na Bakya at Pagpapatuloy ng Kasaysayan ng mga P.U.T.A.
Lalalalalalalalalalala... walang magawa... text text kaya...
jobi to casti: ui, musta na? mis n kta.. :) nu na gngwa mo?
casti to jobi: ui! patapos na pala ang GNP! mis n rn kta. eto, magpapavalidate 4 a med. certificate.
jobi to casti: waaa! punyeta! anong validate? anong certificate yan??!!!
casti to jobi: aftr mo mkuha xray plate mo, have it validated @ UPHS. dun mo makukuha yung med. cert.
syempre, hindi na naman ako nagbasa. hindi na naman ako nagtanong. pano kasi, independence kuno ang drama ko. tipong, "yeaaaaaa!! i can do this!!!!"
syempre, akala ko lang yun. at lalong syempre, nang malaman ng magiting kong mamer na wala pa kong mga required achuchuchu.. kinaladkad nya agad ako papuntang diliman, commute pa ang gusto ha! (environmental scanning at familiarization effects)
ayan, edi go, go, go na.. At para maka-attract ng good vibes, sinuot ko ang aking mystical na puting bakya. eto pa pala, kami ni mutti ay mga disenteng kausap naman pagdating sa maraming bagay. wag lang sa oras.
edi, to make the story short.. (short pa raw oh!) na-late kami.. hanggang 11:00 am ang cut-off sa morning, at kung kelan pang-apat na lang kami sa pila... teneeeenn!!!
biglang nag-materialize ang isang pink na tali : meaning don't call us, we'll call you.. at bumalik ng 1 pm
badtrip naman! at least pink yung tali.. :)
edi ayan na.. lunch effect sa historical gastronomical temple na kung tawagin ay Rodic's na wala naman akong ideya na famous pala ito. (pero bakit ganun, sila talaga ang nasusunod! ganun sila ka-famous? umorder ang mamer ng pork sinigang.. beef ang binigay! umorder ako ng yellow tea effect, red ang binigay.. well..)
at pumila na ang mag-ina dahil nga naman active-activan ang mother. ayaw daw ng nahuhuli...
change location tayo: dun na ulit sa pila sa infirmary...
dito na nagsisimula ang bagong chronicles ng P.U.T.A
sa mga hindi nakaaalam, ang P.U.T.A ay ang lupon ng mga magulang na laging nagpupulong sa ilalim ng punong kaimito sa tapat ng masci. Parents Under the Tree Association po ito, at di ko alam na may UPD chapter din pala, haha.
edi ano pa ba! naloka ang mutti sa payabangan ng mga mahadero't mahaderang mamer at fafito!
"LB": ah eto ngang anak ko, ece yan eh.. tiningnan namin yung results nya, yung second choice nyang quota, pasado rin!
"Mrs. P": ako nga, lima anak ko. tatlo ang nasa up puro quota course.
dabah naman! parang "wala ka sa lolo ko" ang effect!
tahimik lang si mutti. sa isip-isip siguro niya..
"wala kayo sa anak ko. siya ang queen of the universe!!!!! mwahahahahahaha..."
yun lang.
C h i n i k a n i M i m o s e n u n g b a n d a n g 8:56 AM
nagdrama lang...
hello to me diba?
bakit ang tagal? kasi ba naman, nagdrama lang ang lola niyo ng mahigit isang linggo dahil kay maple-a-gogo-boy....
anyways, tapos na ang episode na yun. parang timing ata sa ending ng Gulong ng Palad.
eto na... officially ay nagtatapos na ang chorvaloo cahpter ng aking magenta life. ano ito? maroon na ba talaga?!!!
ayiieehheeee... college na si ineng! (clap. clap.)
in 3, 2, 1...
C h i n i k a n i M i m o s e n u n g b a n d a n g 8:36 AM
Tuesday, May 02, 2006
Chuvanelles, Chuvaloo
Snow on My Window
Current Music: Californication - RHCP
Currently Reading: The Curious Incident of the Dog in the Night-time
Current Temperature: 700 degrees
I screwed up the Palanca Essay. Daaaaammmmnnnn!!!! As in mega damn talaga!!!! I sort of chickened out. I can't explain what happened. I really wanted to submit an essay because I loved the theme ("Why I want to Stay in the Philippines")but somehow, days before the deadline, I got seriously depressed.
Ayun.
Poof!
Haay, and now... days after the deadline - I am so inspired na to write.
You see, I met this amazing guy... What got me the most about him maybe his charm, his bright eyes... his hopeful smile...
or even his dirty hands and feet.
Joselito is 10 years old, and he would rather go by "Tolayt". He's a really great kid. Everyday, along with his brother Gerry, younger sister Bebe and good friend Bonbon, they would be walking along the sidewalks picking up plastic cups and bottles.
Nangangalakal sila Usually, the older street kids bully them - as if they don't go through a hard time already. But, I don't see any bit of sadness or insecurity in their eyes - not even blame for their parents. I'm sure that if they were given a choice before birth - they would not choose to be in their present situation, but they always remain hopeful.
I asked Gerry,
"Ano gusto mo maging kapag lumaki ka na?""Doktor po.""Wow naman! Eh, ikaw Tolayt?""Mayor ng junkshop!"These days, I get to spend more time with them. It feels great to know that these kids have big dreams for themselves, and somehow - I am a part of their dreams.
Hopefully, I can help out more.
They are just the most adorable bunch of kids ever. They may look dirty, but they are very polite. Funny thing, Tolayt is vegetarian! O diba?! Taray!
Everyday, they also set aside a part of their profit for their school expenses. The rest of their money, they give to their mother.
"Pambili po ng bigas." It's inspiring and sometimes makes me feel guilty too, for not appreciating the many material things I have.
Everyday, they watch me count their savings grow in their coin banks.
"Wow! 32.75 na Ate! Andami!"
They live with so little, but they still give whatever they can to help others.
One day, I saw them with a bag of bread.
"o san nyo dadalhin yan?""Dun po kay Lolo sa ilalim ng tulay. Kaibigan po namin yun na pulubi eh."Ask me again- Why would I want to stay in the Philippines - where it's always hot and corruption is everywhere? Because, everytime I see their smiles - I am reminded that I have a lot to be thankful for in this country.
Also, because I understand now that I owe so much to Filipino children just like Tolayt. I can't leave them behind - not even for my dream of waking each morning and seeing snow on my window.
C h i n i k a n i M i m o s e n u n g b a n d a n g 3:50 PM